HDV: Pag-uugnay sa Pangangalaga
Tinitiyak ang Pagkakaugnay sa Pangangalaga para sa Mga Pasyente na Na-diagnose na May Hepatitis Delta Virus

Released: March 23, 2023

Activity

Progress
1
Course Completed
Key Takeaways
  • Ang layunin ng HDV na pangangalaga ay mabawasan ang pagsulong ng sakit sa atay.
  • Ang batayan para sa HDV na pangangalaga ay ang paulit-ulit na counseling upang mahikayat ang kakayahang makakilos mag-isa at pangmatagalang pagiging bahagi sa pangangalaga.
  • Ang pananatili sa pangangalaga ay depende sa pakikiisa ng parehong pasyente at sistema sa pangangalaga ng kalusugan.

Ang layunin ng pangangalaga para sa mga taong parehong may impeksyon ng hepatitis B at hepatitis D ay para mabawasan ang sakit na may kaugnayan sa atay. Ito ay lubos na mahalaga para sa grupo ng mga pasyenteng ito dahil, kumpara sa hepatitis B monoinfection, ang coinfection na may hepatitis D ay nauugnay sa mas mabilis na pagsulong ng liver fibrosis at tumataas na panganib na magkaroon ng hepatocellular carcinoma.

Kahit na ang pagkilala sa pagkakaroon ng sakit na hepatitis D ay isang mahalagang unang hakbang na mapahusay ang mga kalalabasan para sa mga pasyenteng ito, kung ang mga pasyenteng ito ay hindi ma-ugnay sa mabisang pangangalaga kasunod ng isang diagnosis, hindi magbabago ang mga resulta nito. Dagdag pa dito, ang bagong mga opsyon sa paggagamot para sa hepatitis D virus (HDV) ay marahil na available na di magtatagal, dahil mahalaga para sa mga pasyente na magkaroon ng naitatag nang pangangalaga para maka-access sa pangangalaga kung saan ito available. Dito ay tatalakayin ko ang ilang mga estratehiya para makatulong na maparami ang pag-uugnay sa mga rate ng pangangalaga para sa mga pasyente na na-diagnose na may hepatitis D.

Mababang Pag-uugnay sa Mga Rate sa Pangangalaga para sa Mga Pasyente na may Hepatitis B Virus
Kahit na ang data sa pag-uugnay ng mga rate ng pangangalaga para sa mga pasyente na may hepatitis D ay lubos na madalang, maaari naming tayahin mula sa ilang pinakahuling hepatitis B data. Tunay nga, ang kamakailang systematic review na nagpapakita na halos one third hanggang sa humigit ng kaunti sa kalahati ng mga pasyente na may hepatitis B virus (HBV) ay mabisang nauugnay sa pangangalaga. Samakatuwid, maaari naming masabi na ang mga rate sa pag-uugnay sa pangangalaga sa mga taong may HDV ay katulad o marahil na mas kaunti.  

Pamamahala sa HDV: Epekto ng Pag-uugnay sa Pangangalaga
Ang huwaran para sa pamamahala sa HDV ay isang likas na may kaayusan at sumasailalim sa maraming mga sangay kung saan ang pasyente ay maaaring mawala sa mga follow-up. Sa maraming mga hakbang na ito ay mayroon rin maraming mga oportunidad ng kawalan ng pakikiisa ng pasyente.

Para malabanan ito, kailangan naming bigyang diin habang counseling sa aming pasyente ang kahalagahan ng pagsunod sa diagnostic at monitoring na mga rekumendasyon para ang mga pasyente ay makapagdesisyon ayon sa wastong nabigay na impormasyon para follow-up nila sa kanilang mga healthcare professionals (HCPs). Tunay nga, sa palagay ko na lubos na mahalaga na ipagdiin na aming inirerekumenda ang mga pagsusuring ito dahil ang panganib ng pagkakaroon ng kanser ay mas mataas kaysa kung mayroon silang HBV monoinfection, at kung matuklasan ito ng maaga, maaari kaming magkapagbigay ng mga opsyon sa pag-aalaga.

Sa kasamaang palad, maraming mga pasyente ang underinsured at ang pinansiyal na bigat sa pagkuha ng isang ultrasound tuwing 6 na buwan ay lubos na mahalaga. Para sa mga pasyenteng ito, nagsisikap akong makakuha ng kahit man lang 1 kada taon, pero alam ko na hindi ito ang pinakamahusay na paraan.

Mga Hadlang sa Mga Pasyente na may HBV/HDV Coinfection sa Pagiging Bahagi sa Pangangalaga
Ang pagkikilala sa mga hadlang na nakapipigil sa mga pasyenteng may HBV/HDV coinfection mula sa pagiging bahagi ng pangangalaga ay makakatulong sa amin na makagawa ng mga estratehiya upang malampasan ang mga ito. Ang mga sumusunod ay ilang mga nakilalang hadlang:

  • Ang stigma o pakiramdam ng pagkahiya at depression
  • Mga kahirapan sa pananalapi o pagbabayad
  • Mga hadlang sa wika at mga pagkakaiba ng kultura
  • Kakulangan ng kamalayan sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan
  • Kakulangan ng access sa isang HCP na may karanasan sa paggagamot ng HDV  

Mga intervention para Maparami ang Pananatili sa Pangangalaga ng Mga Pasyenteng May HDV
Kahit na wala kaming tools para malampasan ang bawat hadlang, maaari kaming magsimula sa ilang mga maisasakatuparan na estratehiya. Ang isang pangunahing hakbang ay ang paghihikayat sa mga pasyente na maitatag ang kanilang HCP at para masunod ang kanilang mga follow-up na appointment sa mga monitoring lab at mga ultrasound o pagpapagamot.

Alam namin na ang kaalaman ay maaaring makapagbago sa mga pag-uugali sa kalusugan, kaya't ang pagtuturo sa parehong pasyente at mga HCP ay isang mahalagang hakbang rin. Mahalaga dito, ang edukasyon na ito ay dapat maipagkaloob sa isang paraan na angkop sa kultura at sa wika sa pamamagitan ng outreach at edukasyon. Bilang panghuli, ang edukasyon ay dapat na mabigay sa iba't ibang wika upang masubukan na maisali ang mga populasyon na nanganganib.

Ano Ang Mga Palagay Mo?
Paano mo mapapahusay ang pag-uugnay sa pangangalaga para sa iyong mga pasyente na na-diagnose na may HDV? Sumali sa talakayan sa pamamagitan ng pag-post ng puna.